Monday 1 October 2012

Dutdutan 2012

Dutdutan. Hmmm. Sa totoo lang, bastos ang dating ng salitang ito sa akin. Yung tipo ng mga salitang 'dyug-dyugan', 'tuhugan' o 'hindutan' >.< Ewan ko ba. O baka naman talagang green-minded lang ako HAHAHA! At dahil sa madalas akong napapaligiran ngayon ng mga taong de-tattoo (mali, wala ako sa bilibid ha) ay madalas kong naririnig ang salitang ito. Na-curious tuloy ako. Hanggang sa nalaman ko sa pamamagitan ng pananaliksik na isa pala itong convention na malupet! 

Ang Dutdutan ay ang pinakamalaking tattoo exposition na ginaganap taon-taon. Pero hindi porket wala kang tattoo ay hindi ka na bagay sa event na iyon. Marami din nagpupunta doon na mga curious lang sa umpisa pero umuuwing may bahid na ng tinta. Swak ang lugar na ito para sa mga first time na magpapa-tattoo dahil sobrang daming local at international tattoo artists na pagpipilian. Isang libong piso ang bayad sa tattoo na 2x2 ang laki. 


Ngayong taon na ito, 350 ang bayad sa 1-day pass. 600 naman pag 2-day pass ang bibilhin. Ginanap ito nung Biyernes (Setyembre 28) at Sabado (Setyembre 29). Alas-dose ng tanghali hanggang alas-dos ng madaling araw. May libreng bandana mula sa Tribal at meron kang discount na 50 pesos pag bumili ka ng t-shirt nila. Malabo kaming makapunta noong Biyernes dahil may pasok sa trabaho. Nagpasya kaming pumunta dahil tiyempo ito sa kaarawan ng mahal ko. Cool kung doon kami magse-celebrate. ^_^
TAAS: Mga tiket namin
BABA: Yung ikinabit na wristbands samen pagkabili ng tiket
Nagulantang kami pagdating namin sa venue. Ang pila abot sa Roxas Boulevard. Pila pa lang yun sa ticket booth ha, iba pa yung pila dun sa entrance mismo... so dalawang beses ka pipila. Yung mga guwardiya kinumpiska yung lighter ni Bryan at yung mineral water ko na hindi ko pa nabubuksan. Bawal magyosi at bawal magpasok ng pagkain at inumin. Sa loob ka lang bibili sa mga sponsors nila.

Okay. So nasa loob na kami. Hindi ko malaman kung saan ako unang pupunta. Excited ako. Sobra. Kinuha muna namin ang libreng bandana namin. Pila na naman. Haaay. Pagkatapos nun ay sinimulan na naming ikutin ang mga booths ng mga tattoo artists na dumalo doon. Sa oras na yon, kasalukuyang pumaparada sa entablado ang mga kalahok sa isang tattoo contest. At isa si Vandolph sa mga kasali doon. Sayang hindi namin siya nakunan ng litrato. Malayo kasi kami sa entablado dahil nakikipagsiksikan kami para makasilip sa mga booths doon.

Ang mga Tattoo Artists
Ito ay ilan sa mga tattoo models na nandoon:


Kung iniisip niyong puro tatuan lang ang makikita sa Dutdutan ay nagkakamali kayo. Para sa mga kalalakihan, tiyak kong mag-eenjoy kayo sa dami ng chicks na nagkalat sa World Trade Center. Ako nga na hindi lalake eh lumuwa ang mga mata eh. Lalo na sa bikini contest at sa mga pole dancers... SOLB TALAGA! Tinubuan na naman ako ng bigote. Hehehe. Pati si Bryan muntik na matanggalan ng ulo dahil sa kapipihit ng leeg sa dami ng nililingon. LOL! Pero hindi din naman lugi ang mga kababaihan sa pagpunta dito. Marami din namang macho papa. 

At para naman sa musikerang tulad ko, habol ko talaga doon ang mga live band performances at drum duel. Medyo nahilo nga lang ako sa pakikinig dahil wala pang tulog. Parang sumasabog yung ulo ko sa bawat hampas nila ng drums HAHA! Pero ayus pa din, parang high lang ang pakiramdam. Pagdating sa mga banda, pinaka-gusto ko talaga yung performance ng Cypress Hill dahil sa may mga babaeng naka-bikini lamang na nagsasayaw sa mga hawla. Hindi namin maintindihan kung sino ang panonoodin sa kanila. Na-stress pako sa pakikipagsiksikan sa grupo ng mga kalalakihan para lang makita ng malapitan ang isa sa mga babae. Natatawa na lang ako nang matauhan na nakikipag-unahan na pala ako sa mga lalaki doon. Teka, bakit nga ba ako nagsusumiksik doon? Haha! At dahil alas-siyete ng gabi na kami nakarating sa venue nung pangalawang araw, hindi ko naabutan ang URCC na ginanap ata ng mas maaga o nung unang araw pa. Sayang. Trip ko pa naman ang mixed martial arts.

Anyway, sa event na ito lang ako muling nalasing pagkatapos ng mahaba-habang panahon (di ko na matandaan kung kelan yung huli). Hindi naman talaga ako manginginum pero dati ay tumatagal naman ako sa inuman. Dala na din siguro ng pagod at puyat kaya natamaan ako ng mabilis. O baka sadyang di ko lang talaga kinaya ang Colt45. Pero wala na kasing ibang mapagpipilian kaya inabot ng halos isang oras sa pagbili ang kaibigan naming si Alvine dahil ang haba ng pila ay abot sa bundok ng tralala. Yun lang ang meron dun dahil sponsor ito. Pinagtiyagaan ko na lang maski hindi ko gusto ang lasa. Mapait. Masyadong matapang. The Strong Beer for Real Men talaga! Problema nga lang, I'm not a man. LOL. Isa pa palang problema ko nung gabing yon ay ang pag-CR. Di ba pag umiinom ka ng beer parang laging puno yung pantog mo? Anak ng tokwa. Anlayo pa naman nung CR mula doon sa pinuwestuhan namin. Tapos ang haba pa lagi ng pila. Jusko. Wala nakong naintindihan sa ibang mga nagperform dahil mas madaming oras akong nasa CR.

ETO KAMI:


Hindi na din namin natapos ni Bryan ang event (pero nagpaiwan pa si Alvine). Umuwi na kami mga lagpas ala-una ng madaling araw pa lamang. Lowbat na kasi ako. Sayang, hindi na tuloy namin napanood magperform ang Wolfgang at Kamikazee. Umuwi din akong walang tattoo.

Sa buwan na ito (bago sumapit ang aking kaarawan), balak namin ni Bryan magpa-tattoo. First time ko. Ano kaya ang pakiramdam? Sana masakit na masarap. Parang ano... Hehehe.