Thursday, 30 January 2014

Kiong Hee Huat Tsai

Kiong Hee Huat Tsai. ^_^

Hindi po ako sinapian ng espiritong Intsik. Chinese New Year kasi kaya sasabay muna ako sa uso.

Ayoko gamitin ang "Kung Hei Fat Choi" na mas nakasanayan na dahil bukod sa gasgas na gasgas na ito eh napag-alaman ko na hindi naman pala ito naiintindihan ng mga Tsinoy sa bansa. Karamihan daw kasi ng mga Tsinoy ay nagmula sa Fujian province at doon ay Hokkien ang salitang ginagamit. Ang "Kiong Hee Huat Tsai" ay Hokkien... Ang "Kung Hei Fat Choi" naman ay Cantonese... Magkaibang dialect pero iisa ang ibig sabihin nila na kapag sinalin sa Ingles ay: Congratulations and wishing you prosperity!

Susuwertehin daw ako ngayong Year of the Horse ayon sa horoscope. Naku, panindigan mo talaga iyan horoscope ha, kasi andami kong plano ngayong taon. Eto ang listahan:

1. Gusto ko na magpalit ng trabaho. Ayoko na ng nakakulong lang ng siyam na oras dito sa opisina sa harap ng kompyuter! Lagi na lang masakit likod at puwet ko sa kakaupo at lumaki na din ng grabe ang tiyan ko! Hahaha!

2. At dahil sobrang bigat at taba ko na, plano ko magpapayat. Kokontian at pipiliin ko na ang aking mga kakainin. Mag-eehersisyo na din ako. 

3. Plano na din namin makalipat sa Cavite at kunin na si Ashlee para kasama na namin siya sa susunod na pasukan. Gusto kong magkakasama na kaming buong pamilya. 

4. Gusto ko na ituloy at seryosohin ang pagbabanda. Pangarap ko to eh. Saka tumatanda nako.

Siguro sa apat na yan, dun sa pangalawa ako pinakamahihirapan hahaha! Simple lang naman mga pangarap ko di ba? Hindi ko naman hinahangad na yumaman ng sobra... konti lang, LOL! Gusto ko lang talaga maging masaya. :) 

At sana may magbigay sakin ng maraming tikoy! >.<