Sa lahat ng mga nagtatanong (as if namang meron LOL)...
OO. Buhay pa po ako. :)
Tatlo lang kaming nasa opisina ngayon at masarap sanang maglaro ng HoN (Heroes of Newerth) dahil paniguradong hindi ako magla-lag pero dahil sa alam kong marami-rami na din akong utang sa blog na ito, sisimulan ko na ang magbayad. Teka, paano ko ba sisimulan? Sige, ganito na lang...
Setyembre ng nakaraang taon nung huli akong mag-post dito. Ang huling entry ko ay tungkol sa Dutdutan. (Ngayong taong ito ay muli kaming dumalo ni Bryan at susulat ako ng hiwalay na entry tungkol diyan sa ibang pagkakataon). Lumipas ang aking kaarawan (ni hindi ko na matandaan kung paano ako nagdiwang noon o kung nag-celebrate nga ba ako?), at lumipas din maging ang ika-pitong kaarawan ni Ashlee...
Isa itong costume party at si Ashlee ay si Princess Merida ng Disney's 'Brave'. Napili namin ang mabungang-kahoy na lugar na ito upang magmistulang enchanted forest ang venue. Bukod sa magarbong party (ang laki ng gastos ni Bryan HEHE), isang Android tablet and regalo namin sa aming munting prinsesa. Narito ang ilang kuha ng litrato sa kanyang party (salamat sa aming opisyal na tagalitrato na si John Paolo Medrano at sa maganda niyang kamera, HEHEHE).....
Bago pa man sumapit ang kaarawan ni Ashlee, iniuwi ko si Bryan sa probinsya kung saan ako'y lumaki... sa Pangasinan. Umuwi kasi ang kabarkada ko nung hayskul na si Tin galing sa UK kaya naman nagkaroon ng maliit na reunion ang barkada namin. Sinamantala na rin namin ang pagkakataong iyon upang makilala ng personal ang aming kaibigang si Karl (na noong una ay sa Facebook at RisingStars website lang namin nakakausap). Heto ang ilan sa mga larawan namin nung kami ay mananghalian sa Silverio's kasama siya...
At narito naman ang ilan sa mga larawan namin nang magkita-kita na kaming magbabarkada...
|
Tanghalian sa Sison Residence |
|
(KALIWA) ang pintuan ng inupahan naming kwarto sa Aleman's Resort; (GITNA) sa tapat ng kapitolyo ng Lingayen; (KANAN) sa Lingayen Beach |
|
Unang gabi. Nakalimutan ko na yung pangalan ng bar na ito >.< Basta sa San Carlos City ito. Pumunta kami dito pagkatapos ng isang singing contest kung saan isa ako sa mga hurado. :) |
Tulad ng mga
reunion namin nung mga nakaraang taon, hindi pa rin kami kumpleto. Siyam kaming magbabakarda. Parang tuwing dalawang taon ay nagre-
reunion kami. Sa pagkakataong iyan, apat ang wala. Pero espesyal pa rin iyang huling reunion namin dahil sa wakas ay nakilala na rin namin ng personal ang mga 'jowa' ng isa't-isa lalo na si Ian, ang
British na asawa ni Tin na
first time pumunta dito sa
Pinas. Napakasaya ko din na nakapasyal si Bryan sa
Dagupan City at
San Carlos City nung unang araw, at sa
Lingayen Beach kinabukasan
. Dahil wala kaming matutuluyan nung unang gabi, nag
check-in na lang kami sa
Aleman's Resort na malapit kina Tin. Hindi ko pa kasi pwedeng iuwi si Bryan sa bahay namin.
Strict kasi ang Papa ko, HEHE! At dahil minsan lang makauwi sa probinsya, hindi ko pinalagpas ang pagkakataong iyon na muling makakain ng
Pigar-pigar (isang
delicacy sa Dagupan na ang ibig sabihin sa aming lenguahe ay 'binali-baliktad').
|
Tabi-tabi ang mga kainan sa kalye ng Galvan sa Dagupan City na nagluluto ng Pigar-pigar. |
Hay...
miss ko na ang hayskul barkada ko... Jona (& Glenn), Elisha (& Ralph), Tere (hindi ko pa nakikilala ang 'jowa' niya), Tine (& Ian), Lovely, Jeamima, Mae, at Jacq (hindi ko pa din nakikilala ang 'jowa' niya)... Tara, r
eunion na uli?
Ilang araw makalipas naman ang ika-pitong kaarawan ni Ashlee, muli naming nakasama si Karl sa isang
outing na kasama din ang
iba pang miyembro ng
RisingStars Philippines. Sa
Villa Alfredo's Garden Resort sa
San Fernando, Pampanga namin ipinagdiwang ang aming pagkakaibigan. Hindi malilimutan ang aming pagsasalu-salo mula sa pagbiyahe namin galing Maynila hanggang sa makarating sa
resort hanggang sa muling pagbalik dito sa Maynila. Sa sasakyan pa lang papuntang probinsya ay nauupos na kami sa kakatawa dahil sa samut saring kwento ng isa't-isa. Pagdating doon, walang tigil na kainan, kantahan at sugalan naman ang nangyari, HEHE! Pagsapit ng dilim lahat naman ay nagsipaglangoy sa
pool. At tuloy-tuloy pa din ang
bonding hanggang kinabukasan. Kami ay nag-
exchange gifts (Disyembre na kasi noon) at naglaro ang lahat ng
'spin-the-bottle' kung saan nakilala namin ng mas lubos ang isa't-isa. Gumala din kami sa buong
resort pati sa kanilang
mini zoo doon. Salamat na lamang sa maingat na pagmamaneho ni Vonn ng kanyang kotse, kami ay matiwasay sa aming paglalakbay papunta at pabalik. Heto ang ilan sa aming mga larawan...
|
(KALIWA) papunta pa lang sa resort, nananghalian kami sa Jollibee, Mabalacat; (KANAN) spin-the-bottle kinabukasan ng umaga |
|
higanteng FAN SIGNS |
|
langoy-langoy at gala-gala sa resort |
Nami-
miss ko na ang mga PANIKING ito...
|
Gae-gae, Morrison, Tine, Karl, Aizaleen, Ysa, Vonn |
Kelan kaya uli kami magkikita-kita?
Kita niyo na kung gaano kadaming hindi malilimutang kaganapan ang nangyari sa pagtatapos ng nakaraang taon? Samantala... ang kasalakuyang taon ay muli na namang magtatapos, at napakarami ding pangyayari ang hindi ko pa naikukuwento sa inyo. Uunti-untiin kong isusulat ang lahat ng mga iyan sa mga susunod na linggo hanggang bago matapos ang taong ito. Hay... ang hirap magbayad ng utang, HEHE! >.< Eto ang napapala ng
blogger na tamad!
hay! ansayA nmn..sana minsan makilala ko din kayo in person..
ReplyDeleteHi Kate Kemp! San ba ang location mo? Kung may free time ka, coffee or lunch or dinner tayo! ;) Hope to meet u in person soon ^_^
Delete